TINGNAN: Nakarating na sa tapat ng Quezon Hall ang bulto ng mga magpoprotesta ngayong araw. Ang kanilang panawagan: "Makibaka! Huwag matakot! Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!" #wakaSONA2020
Maristela Abenojar, Filipino Nurses United: Ang mga manggagawang pangkalusugan ay humihingi ng katarungan hindi lang sa panahon ng COVID ... kailangan pong magkaroon ng sapat na budget ang DOH. #WakaSONA2020
Nagpadala rin ng mensahe si Sen. Risa Hontiveros: Wag na ring hayaang gamitin ng mga naghahari- harian ang pandemic na ito para mag-consolidate ng kapangyarihan para sa sarili nilang interes. #WakaSONA2020
Hontiveros: Sama-sama tayong magpanday ng bukas ... kung saan bawat isa ay namumuhay ng maayos. #WakaSONA2020
Manny Manato, ULAP Kilos Maralita: Ayuda sa magsasaka at mangingusda, hindi pulis at sunadlo ang kailangan namin ... Si Pangulong Duterte ay manhid sa pangangailangan ng masa. #WakaSONA2020
Ruben Baylon, Piston: Ang tanging kahilingan namin, 100 percent na makabalik sa pamamasada. Magkano na nga ba ang nawala na kita sa loob ng apat na buwan ng mga drayber at operator? #WakaSONA2020
Baylon: Maraming mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil di namin naigahatid at nasusundo. Kung kaya karapat-dapat lamang na makabalik kami sa aming pamamasada. #WakaSONA2020
Bong Labog, KMU: Unyonismo, hindi terorismo. Mahigit 50 ang pinatay na union leaders at walang tigil na pangre-redtag ang hinarap ng mga unyonista. #WakaSONA2020
Raoul Manuel, @NUSPhilippines: Ang tanong natin kay Duterte, anong ginawa mo upang tiyakin ang ligtas at dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan? #WakaSONA2020
Mae Paner aka Juana Change: Nandito ako ngayon para sabihin sa inyo na this is an important moment of our history ... Because Duterte is a gift not only to the Philippines but also to the entire COVID universe! #WakaSONA2020
Atty. Neri Colmenares: Maraming di naniniwala na kailangan ng batas laban sa terorirsta dahil sa bansa, drug user ka lang, papatayin ka agad. C#WakaSONA2020
Colmenares: Si Pres. Duterte ay intolerant sa dissent. Pag mass gathering sa mañanita, pag binuksan ang mining companies at kahit may mass gathering sa mga minahan, okay lang daw yon. Pero kapag protesta natin, hindi raw pwede. #WakaSONA2020
Colmenares: Pinakita natin ngayong araw na ang tunay na dahilan bakit ayaw nilang matuloy ang rally na ito ay dahil intolerant lang sila sa dissent. #WakaSONA2020
Cess Drilon, @ABSCBNNews: Ito po ang unang beses ko na tumayo sa harap ng isang rally at tumatayo ako rito para ipaglaban ang press freedom na nalalagay sa alanganin sa kamay ng ating pangulo.
Drilon: Ang freedom of the press ay haligi ng ating demokrasya– karapatan ng bawat isang Pilipino at hindi isang pribilehiyo na tatanggal-tanggalin lamang ng Presidente. #wakaSONA2020
Drilon: Ang media ay takbuhan ng ng mga jeepney driver at mga manggagawang pangkalusugang humihiling na ibulatlat ang mga katiwalian ng gobyerno. Kami ang tagamasid at tagapagbalita sa bawat mamamayang Pilipino. #wakaSONA2020
Drilon: Babala ang ginawa sa amin sa ABS-CBN sa maaring hantungan ng paguulat sa bansa. Mayroon pa kayang maguulat ng totoong nangyayari? Malamang ay natatakot na rin silang mapasara. Mensahe po ang nanguari sa amin–na magulat kayo at baka kayo na ang sumunod. #wakaSONA2020
Drilon: Hindi ako tagapagsalita ng mga ABS-BN ngunit kaisa ko ang mga manggagawang nawalan ng trabaho at tumututol sa ginagawa ng gobyerno hindi lang sa istasyon kundi maging sa kabuhayan ng mga mamamayan. #wakaSONA2020
Drilon: Nang idiin ang Rappler, marami ang hindi umimik–katwiran natin di tayo mamamahayag. Nang ipasara ang ABS-CBN, di tayo umimik, katwiran naman ay di naman empleyado ng istasyon. Kapag ikaw ang kanilang hahabulin, sino na ang magsasalita at magtatanggol sayo? #wakaSONA2020
. @kikopangilinan: Dahil sa makupad na pagkilos ng gobyerno, hindi natin nasusugpo ang pagkalat ng COVID-19, hindi natin ito natutugunan at maghihirap lalo ang mamamayan. #wakaSONA2020
Atty. Chel Diokno, Concerned Lawyers for Civil Liberties: Hindi Cha-Cha ang dapat ipasa ng gobyerno. Hindi yan ang isinasayaw ng mamamayan. Ang ating isinasayaw ay katotohanan, at katarungan. Ang ating isinisigaw ay hustisya. #wakaSONA2020
Diokno: I am waiting for the day of reckoning at ito ang mapapangako ko presensya ko sa inyong lahat, sasabayan ko kayo, walang iwanan ito. Pagdating ng araw ng pananagutan, nandito tayong lahat. #wakaSONA2020
TIGNAN: Ipinahayag ng UP Repertory Company ang kanilang pagtutuol sa Anti-Terror Law sa pamamagitan ng pagsayaw sa saliw ng "I hate it when you call me terorista." #WakaSONA2020
Rey Salinas, @Bahaghari_Natl: Di kami natinag sa pang-aaresto, pagbabanta ng pasasabugin ang ulo namin, at sekswal na harassment na naranasan namin sa kulungan para sumama ngayon sa protesta ng mamamayang galit na sa kanilang mga pang-aabuso. #wakaSONA2020
Para takdaan ang pagtatapos ng pagkilos ngayong araw, inawit ni Bituin Escalante ang Bayan Ko.
Tutuldukan man ang protesta ng mamamayan, mananatili ang galit at panawagan ng mga Pilipino para singilin ang gobyerno sa kanilang kapabayaan. #wakaSONA2020
Tutuldukan man ang protesta ng mamamayan, mananatili ang galit at panawagan ng mga Pilipino para singilin ang gobyerno sa kanilang kapabayaan. #wakaSONA2020